Komunikasyon at Pananaliksik sa          Wika at Kulturang Pilipino
Ø  Ang natutunan ko ay ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan at ito ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.  Sa daluyan ng pagpapakahulugan meron itong apat na bahagi:
·        Tunog – Ito ay nagmula sa paligid,kalikasan at mula mismo sa tunog na likha ng pagbigkas ng tao.
·        Simbolo –Ito ay binubuo ng mga biswal na larawan, guhit, o hugis na kumakatawan sa isa o maraming kahulugan.
·        Kodipikadong pagsulat-Ito ay ang sistema ng pagsulat tulad ng paggamit ng cuneiform o tablet ng mga Sumerian, papyrus ng mga Egyptian, at ang paglitaw ng mga bieroglypb
·        Galaw-ito ay tumutukoy sa ekspresyon ng mukha, kumpas ng kamay, at galaw ng katawan o bahagi ng katawan na nagpapahiwatig ng kahulugan o mensahe.
·        Kilos-ito ay tumutukoy sa kung ano ang ipinahihiwatig ng isang ganap na kilos ng tao.

Meron ding iba’t ibang gamit ang wika tulad ng gamit sa talastasan, lumilinang ng pagkatuto, Saksi sa panlipunang pagkilos, Lalagyan o imbakan, Tagapagsiwalat ng damdamin, gamit sa imahinatibong pagsulat.

Ito rin ay may kategorya at kaantasan.Una ay ang pormal at di pormal.Ang pormal ay kinikilala at ginagamit ng higit na nakararami.Ang halimbawa nito ay ang edukasyon at kabiyak. Ang di pormal naman ay ang madalas gamitin sa pang araw-araw na pakikipagtalastasan. Ang halimbawa nito ay adlaw, utol at ewan.

KOMUNIKASYON
Ø  Ito ay pagpapahayag,paghahatid, o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan. Ito ay may tatlong antas. Una ay ang intrapersonal kung saan nakatuon sa sarili. Pangalawa ay ang interpersonal, ito ay nagaganap sa pagitan ng dalawa o higit pang kalahok at ang pangatlo ay ang organisasyonal kung saan nagaganap sa loob ng isang organisasyon.
Ø  Meron din itong karaniwang modelo. Meron itong tagapagpadala,mensahe,tsanel,tagatanggap,tugon,puna at reaksiyon.
Ø  Meron itong tatlong uri: ang komunikasyong pabigkas, komunikasyong pasulat at pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng kompyuter.


ARALIN 2: Unang Wika, Bilingguwalismo, at Multilingguwalismo sa Kontekstong Pilipino
Ang natutunan ko sa aralin na ito ay ang bilingguwalismo ay ang pantay na kakayanhang umintindi at magsalita ng dalawang magkaibang wika. Ang sino mang bilingguwal (bilingual) ay mamaring makipagusap sa sino mang nagmula sa bansang pinanggalingan ng kanyang alam na “language” at ang Multilingguwalismo ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao o indibidwal na makaunawa at makapagsalita ng ng iba't-ibang wika.

ARALIN 3: Lingguwistikong Komunidad at Uri ng Wika
Ang lingguwistikong ay may tatlong salik. Una ay may kaisahan sa paggamit ng wika at naibabahagi ito sa iba. Ikalawa ay nakapagbabahagi at malay ang kasapi sa tuntunin ng wika at interpretasyon nito at ang huli ay may kaisahan sa pagpapahalaga at palagay hinggil sa gamit ng wika.

Halimbawa:
Sektor, Grupong pormal, Grupong impormal, Yunit
Ang multicultural na komunidad ay nagiging iba-iba samot sari o marami ang mga wika dahil sa multicultural nating katangian, identidad, at pinagmulan. Halimbawa nito ay internasyonal, rehiyonal, pambansa at organisasyonal.

Sosyolek, Idyolek, Diyalekto, At Rehistro

Ang natutunan ko dito ay ang sosyolek ay uri ng wika na nililikha at ginagamit ng isang pangat o uring panlipunan halimbawa nito ay jejemon. Ang idyolek ay ang natatangi’t espesipikong paraang ng pagsasalita ng isang tao. Samantalang ang diyalekto ay uri ng pangunahing wika na nababago, nagbabago o nagiging natatangi halimbawa nito ay sintones. Ang registro ito ay heograpikong salik maging sa propesyonal o panlarangang basehan.

Yunit II: Mga Gamit ng Wika sa Lipunan

Ang instrumental ay mabisang makipag ugnayan o makipagtalastasan sa kanyang kapwa tulad ng pagpapahayag ng damdamin panghihikayat direktang pag uutos at pagtuturo at pagkatutu ang wika ng panghihikayat at pagganap ay may tatlong kategorya ito ay ang literal na pahayag o lokuyunaryo, pahiwatig sa konteksto ng kulturat lipunan o ilokusyunaryo at ikatlo ay ang pagganap sa mensahe o perlokusyunaryo.

Ang regulatoryong bisa ng wika ay nagtatakda, nag-uutos, nagbibigay-direksiyon sa atin bilang kasapi ito ay may tatlong klasipikasyon. Ito ay berbal, nasusulat nakalimbag at biswal at ang pang huli ay ang di nasusulat na tradisyon. Ang ilang halimbawa ng regulasyon o batas ay ang saligang batas, batas ng republika, ordinansa, polisiya, patakaran at regulasyon.

Ang interaksiyonal na ang tungkulin ay tulungan tayong makipag ugnayan at bumuo ng sosyal na reslasyon sa ating pamilya o kakilala. Ang interaksion sa cyberspace ay ang kasalukuyang bersiyon ng internet halimbawa nito sa dalawahan ay ang email at personal na mensahe, Sa grupo naman ay group chat at forum. Sa maramihan ay sociosite at online store.

Ang personal ay mula sa salitang personalidad ito ay kaugnay ng mga pangunahing teorya kabilang sa pag-uugali, psychodynamic, pangkatauhan, biyolohikal, asal, ebolusyon at perspektibo sa kaalamang panlipunan.Meron itong apat na dimensiyon ito ay ang panlabas laban sa panloob, pandama laban sa sapantaha, pag-iisip laban sa damdamin at paghuhusga laban sa pag-unawa.Ang malikhaing sanaysay naman ay nag lalaman ng sariling pananaw ng may akda at nasa puntodebista ng manunulat. Halimbawa ito ay biograpiya, awtobiograpiya, alaala, sanaysay, personal na sanaysay at blog. Meron din itong tatlong bahagi ito ay panimula, katawan at wakas.

Ang natutunan ko sa imahinatibong wika ay ginagamit ito sa paglikha, pagtuklas at pag-aliw. Meron itong iba’t-ibang anyo ng panitikan na pinapangalanang pantasya, mito, alamat, kuwentong bayan at siyensiyang piksiyon.

Dito naman pinaguusapan ang heuristiko at representatibo. Ang heuristiko ay ang prosiso ng pagtuklas sa ating paligid at sa pagkuha ng luma at bagong kaalaman. Ang representatibo ay ipinaliwanag ang datos, impormasyon at kaalamang ating natutuhan o natuklasan at ito ay may apat na yugto ang paggamit ng sintido-kumon, lohikal na pag-iisip, kritikal na pag-iisip at maugnaying pag-iisip. Powerpoint presentation ay paraan ng paglalahad ng impormasyon sa pamamagitan ng teksto, disenyo, grap, tsart, animation, tunog o video.

Sa pananda para sa kohesyong gramatikal ay ang katapora na panghalip na unang ginagamit sa pangungusap bago banggitin ang pangngalan.Ang anapora naman ay panghalip na ginagamit sa pangungusap o pang tukuyin ang naunang nabangit na pangngalan. Ang pangatnig ay mainam na ginagamit upang maging suwabe madulas at magkaka ugnay ang mga ideya sa pangungusap ang panandang naman ay salita na makatutulong upang bigyan diin, linawin at pukawin ang atensyon ng mambabasa.

Yunit III: Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas

Sa aralin ng ito ay natutunan ko ang wikang filipino at ang mass media. Ang mass media ay ang tawag sa pinakamaimpluwensiyal at pinakamakapangyarihang institusyon sa ating lipunan ang media ay isang institusyong panlipunan. Ito rin ay isang malaking industriya kumikita ito sa tulong at sa pamamagitan ng patalastas. May iba’t ibang uri ng palabas ito ay tanghalan, pelikula, telebisyon at youtube.



(PERSONAL BLOG)

  Sa pagluto ng adobong manok kinakailangan mo muna ang mga rekados o kasangkapan tulad ng mga sumusunod:
  • 1k Manok (chicken ) hiniwa ng ayon sa gusto mo na laki
  • 2 piraso patatas ( hiwain ng cubes style)
  • 4 piraso dahon laurel
  • 7 kutsara toyo (datu puti)
  • 7 kutsara suka (datu puti)
  • 6 piraso bawang (itabi ang 3 piraso)
  • 1 buo na sibuyas ( hiwain at hatiin ) itabi ang kalahati
  • 2 kutsara na mantika ( mamantika ang manok kaya iwasan ang paggamit ng marami)
  • Asin
  • Paminta buo at durog
  • Asukal na pula
  • Magic Sarap ( hindi ako gumagamit ng vetsin)
  • 1 baso tubig
  • 1 kutsara na cornstarch
pagkatapos ay susundin mo ang mga hakbang sa pagluto nito

 Paraan sa pagluluto:
  •  Pagsama-samahin sa isang kaserola o pan ang manok, toyo, suka, laurel, paminta buo,3 piraso bawang dinurog, sibuyas na kalahati e marinade ng magdamag o isang oras at pakuluan ito ng mga 10 minutes sa mahinang apoy para ang lasa nya tlagang lumabas
  •  Isalang ang kawali at ilagay ang mantika.  Iprito ang patatas at hanguin ito at itabi
  • Igisa ang manok na pinakuluan papulahin ang natirang bawang at sibuyas at kapag mapula na ihulog ang pinakuluang manok at hayaan sya na medyo ma fried sa sariling mantika at sa pinag pritohan ng patatas.
  • Ilagay ang sabaw ng pinagpakuluan ng manok at dagdagan ng isang basong tubig.
  • Hayaan kumulo ng 10minuto at lagyan ng cornstarch para ito ay lumapot at makintab tignan
  • Timplahan ng asin at asukal
  • Lagyan ng magic sarap at ilagay ang patatas

  • TIP:MABANGO ANG ADOBO AT MAS MALASA KAPAG ITO AY IGINISA. Kapang pang pamilya lang, puwede na siyang huwag na lagyan ng tubig kapag iginisa at puwede na rin hindi palaputin.  Kung ayaw ng medyo matamis-tamis, bawasan ang asukal pero huwag hayaan na hindi lagyan kahit kaunti dahil mas masarap kapag meron nito at mas lalo mag-blend ang alat kunti tamis.
  •  SA LAHAT NG NILULUTO, MAS MAGANDA ANG HALF COOKED LALO NA SA GULAY. PRESENTABLE NA SIYA AT HINDI PA MAWAWALA ANG SUSTANSYA NITO.
     ANG PATATAS AT CARROTS AY MAS MAGANDA NA IPRITO SIYA NG TAMA LANG PARA HINDI NITO SIPSIPIN ANG LASA NG KAHIT NA ANONG KARNE NA NILULUTO.
      Asukal na pula – isang sekreto ng mga nagluluto sa restaurant o catering para mas lalo mag-blend at pantanggal ng alat at puwede na siyang gamitin pamalit sa vetsin.
     Arina – Pampalapot ( 1 is to 1 sila ng cornstarch )
     Cornstarch – Pampalapot at pampakintab ng luto (para hindi mukhang dull ang luto kahitgabi na or matagal na oras na ito niluto)

Comments